Mataas din ang expectation sa akin ng mga guro.
-
Sa buong buhay ko ng pag eeskwela (mula elementarya hanggang
kolehiyo) dito lang ako nagkaroon ng kinatatakutang teacher. Hindi ko na
maalala ang kanyang pangalan pero sya ang guro namin sa kasaysayan. Pagnarinig
na namin ang yabag ng kanyang mga sapatos - sit straight, quiet at hanggat
maari eh minimal lang ang paghinga haha. Nakakatawang balikan.
-
Sa Filipino, nalaman ko na meron palang 50 paraan para
magreport ng paksa. Nung elementarya kasi magsusulat ka lang sa manila paper at
ayun na. Grabe ang stage fright ko, nangangatog talaga ako sa harap ng klase.
Pero ng lumaon, nasanay na din ako. Dito nahasa ang pagsasalita ko at pagiging
artistic. Halos every week kasi magrereport ka at kasama sa grado ang visual
aids. Pagandahan ng props.
-
Hindi ako marunong gumamit ng pentel pen at magsulat sa
manila paper kaya lagi ako humihingi ng tulong sa kuya ko. Pero isang araw sabi
nya, ikaw na gumawa nyan para matuto ka. At dahil nga doon natuto ako. Syempre
noong una mukhang kayod ng manok pero ng lumaon eh naging legible naman. (kita
nyo naman diba haha)
-
Isa sa pinaka gusto kong activity sa school ang labanan ng
sabayang pagbigkas. Laging sumasali ang section namin at lagi ding talo. Kung
merong section 1,2,3 and so on sa elementary; sa Ramon Magsaysay ang section
mula sa pinakamataas ay Einstein, Edison, Amity, Benevolence, Bravery, Charity,
Courage, Diligence, and so on hanggang letrang Z ata. Nasa Edison ako pero
napakagaling ng Amity, Charity at Diligence.
-
Dumating ang panahon na kailangan na naming lumipat ng
Cainta. Ang tirahan namin sa M. Dela Fuente ay balak irenovate ng may ari.
Kinailangan ko din lumipat ng paaralan. Noong una, ayoko talaga pero nakakapagod.
Gigising ako ng 5am para hindi malate. Lalabas ng 6pm sa school at makakarating
sa bahay ng 12am or 1am sa sobrang traffic sa maynila at cubao. Sa sobrang
pagod, di ko na nararamdaman ang takot sa mga multo. Minsan may magtataas ng
unan ko sa ulo at minsan may nagdridrible ng bola. Hindi lang pala ako
nakakarinig ng basketball pati Ate ko. Halos sabay kame lumuluwas ng maaga. Nagtratrabaho
sya sa pager, ano na nga ba tawag doon, ah Easy Call. After nya maligo,
tinanong nya ako kung ano ang nagdridrible ng bola. Ang style ng pagdridrible
nila parang nang aasar pa – hihina lalakas, hihina lalakas. Pagnandyan ang mga
multo, wala akong pakialam. Sabi ko lang sa kanila, TSE! magtakutan kayo dyan
at matutulog ako at halos hindi ko na mamulat ang mga mata ko sa sobrang antok
at pagod.
-
NOOOOO!!! Wala na ako sa MonSay, ang isa sa pinakamahusay na
paaralan sa Maynila. Napunta ako sa Francisco P. Felix Memorial National High
School, kung saan dalawang kanto lang ang layo sa aming bahay.
-
Akala ko magsisi ako na nagtransfer ako – ang sabi nila High
School Life ang isa sa pinakamasayang yugto ng buhay – dito ko naranasan iyon.
Marami akong naging kaibigan na hanggang ngayon kaibigan ko pa din. Bukod sa
kanila, kasama ko din ang pinakamalapit kong pinsan – si Roma – na crush ng
bayan at nahawaan ako ng kanyang pagiging popular sa school. Halos every week
nagswiswimming kame kung saan saan, magkakasama nagmamall, nanonood ng sine,
kumakain. Nakakapanibago dahil relax lang – hindi katulad sa MonSay na araw
araw may quiz, assignments, exams, projects at lahat ng pahirap na maiisip mo.
Dito, nagkaroon ako ng time na maenjoy ang kabataan ko.
-
AYOSS! Natanggap ako
sa SoundStage, ang pinakauna kong trabaho. Syempre ayaw ng pamilya ko. Sabi
nila – bakit kailangan mo pang magtrabaho, binibigay naman namin lahat. Pero
matigas ang ulo ko at ako pa rin ang nasunod. Masaya lalo na noong natanggap si
Ryan at Ethel ang dalawa sa aking bestfriend. Ako ay 16 palang noon at ang
trabaho ay kunin at iserve ang order. Enjoy kasi nakakapanood ng libreng live
bands. Naapreciate ko ang 80’s music. Na-adik ako sa Glady’s and the Boxers pag
Tuesdays. WILD CATS naman pag Wednesday. Dito ko din nasubukan ang uminom,
malasing at manigarilyo (at buti nalang hindi naging bisyo). Daming magagaling
na banda at ang sarap makinig ng live music. After ng trabaho, sabay sabay sa
gotohan o sa tapsihan. Kamusta na kaya sina Sir John, Tina, Mike ang mga kawork
ko na close sa akin. At leche ang team leader na inassign ako maglinis ng
restroom ng dalawang beses – dahil sa kanya kaya ako nagresign lol.
-
Dahil
gabi at puyatan ang work, madami akong namiss na klase. Akala ko nga hindi na
ako makakagraduate pero nakahabol pa din. Nung graduation day, ako lang mag
isa. Ako lang ang walang magulang. Hindi ko alam kung nasa ibang bansa sila o
hindi ko sinabi dahil gusto kong patunayan sa sarili ko na matanda na ako at
kaya ko na yun mag isa. Pero nagkamali ako, sana nandoon sila. Napansin ata ng
adviser ko na wala akong kasama – bumili sya ng bulaklak at sinabit sa akin
(parang santo lang) – at nangilid ang aking mga luha.
-
It
has been 10 years ng grumaduate ako sa AMA University. Dahil naranasan ko na
ang pagod ng malayong pagbyahe (wala pang tren noon sa Marikina) pinili ko na
mag aral sa malapit. At dahil Computer Science ang band wagon noon, sa AMA ako
nag aral.
-
Nagustuhan
ko naman ang programming. PASCAL ang unang programming language na dapat naming
matutunan at si Vivian Torres ang naging guro ko. Una ko syang naging teacher
sa computer basic at asar na asar ako sa kanya. Pero sa PASCAL iba sya, ang galling
ng teacher na eto at nakaka-enganyo. Kung dito sa America eh sa online mo
ma-access ang grades mo, sa AMA iba – index card. Magpapasa ka ng ¾ index card
at guguhitan mo ng table na may label na quiz 1, quiz 2, quiz3, exam 1, exam 2,
midterms, finals, etc. Sayang nawala ko na yung index card ko na balak ko
sanang ipalaminate – 99.99% pa naman ang nakalagay (TSE lol) Si Miss Torres din
kinuha kong thesis adviser at di ako nagkamali sa pagpili sa kanya.
-
ROTC
ang pinakaaasaran kong subject. Nonsense. Bibiyahe kame ng villamor airbase para
umupo at ibilad sa araw. Ilang beses ako bumagsak. Ilang beses din ako
nagdonate ng dugo para mawala ang absences ko.
-
Lumabas
noon ang Playstation at sa kagustuhan kong makabili, nagtrabaho ako sa
Greenwich Pizza. Masyado akong nag enjoy sa trabaho at hindi alam ng mga
magulang ko na hindi na pala ako pumapasok sa eskwela. Nawala ako sa President’s
list dahil dito. Nagtataka si mama kung bakit ang tagal ko makagraduate – ang sabi
ko – binago kasi yung curriculum kaya kailangan ko mag extend ng isa pang sem.
Noong graduation – ska ko lang inamin na may isang buong sem ako binagsak.
Hindi naman nagalit si Mama dahil nakagraduate naman ako. Ang sabi lang nya –
Ikaw talaga!
-
It
has been 7 years since I’ve been here in USA and working in the same company.
-
It
has been 2 years of going to school so I can step up in the ladder and pursue
my dreams.
-
It
has been almost 6 months of waiting
-
It
will be 5.5 more months until I get my awaited 3-month vacation in the
Philippines
-
It
will be 2.5 more months until my birthday.
-
It
will be 2.5 more weeks before a new chapter in my life unfolds. Ang biruan nga naming
dito sa work eh - Ang Bahay ni Ate: Ang
Teleserye ng Totoong Buhay (halaw sa Pinoy Big Brother). Ano kaya ang magiging
title ng susunod na chapter ng buhay ko.
-
After
10, 20, 30 years? Ano ano kaya ang maidadagdag ko sa aking mga it has been?
-
Isa
lang ang alam ko – ang palong palo at panalong sagot ni Miss
Philippines-Universe 2012 Janine Tugonon – “just have a child-like faith and
matured obedience and everything will go smooth”
No comments:
Post a Comment