Tuesday, May 29, 2012

Momo's Playlist - 5/29/2012


It has been






Mataas din ang expectation sa akin ng mga guro.

-      Sa buong buhay ko ng pag eeskwela (mula elementarya hanggang kolehiyo) dito lang ako nagkaroon ng kinatatakutang teacher. Hindi ko na maalala ang kanyang pangalan pero sya ang guro namin sa kasaysayan. Pagnarinig na namin ang yabag ng kanyang mga sapatos - sit straight, quiet at hanggat maari eh minimal lang ang paghinga haha. Nakakatawang balikan.

-      Sa Filipino, nalaman ko na meron palang 50 paraan para magreport ng paksa. Nung elementarya kasi magsusulat ka lang sa manila paper at ayun na. Grabe ang stage fright ko, nangangatog talaga ako sa harap ng klase. Pero ng lumaon, nasanay na din ako. Dito nahasa ang pagsasalita ko at pagiging artistic. Halos every week kasi magrereport ka at kasama sa grado ang visual aids. Pagandahan ng props.

-      Hindi ako marunong gumamit ng pentel pen at magsulat sa manila paper kaya lagi ako humihingi ng tulong sa kuya ko. Pero isang araw sabi nya, ikaw na gumawa nyan para matuto ka. At dahil nga doon natuto ako. Syempre noong una mukhang kayod ng manok pero ng lumaon eh naging legible naman. (kita nyo naman diba haha)

-      Isa sa pinaka gusto kong activity sa school ang labanan ng sabayang pagbigkas. Laging sumasali ang section namin at lagi ding talo. Kung merong section 1,2,3 and so on sa elementary; sa Ramon Magsaysay ang section mula sa pinakamataas ay Einstein, Edison, Amity, Benevolence, Bravery, Charity, Courage, Diligence, and so on hanggang letrang Z ata. Nasa Edison ako pero napakagaling ng Amity, Charity at Diligence.

-      Dumating ang panahon na kailangan na naming lumipat ng Cainta. Ang tirahan namin sa M. Dela Fuente ay balak irenovate ng may ari. Kinailangan ko din lumipat ng paaralan. Noong una, ayoko talaga pero nakakapagod. Gigising ako ng 5am para hindi malate. Lalabas ng 6pm sa school at makakarating sa bahay ng 12am or 1am sa sobrang traffic sa maynila at cubao. Sa sobrang pagod, di ko na nararamdaman ang takot sa mga multo. Minsan may magtataas ng unan ko sa ulo at minsan may nagdridrible ng bola. Hindi lang pala ako nakakarinig ng basketball pati Ate ko. Halos sabay kame lumuluwas ng maaga. Nagtratrabaho sya sa pager, ano na nga ba tawag doon, ah Easy Call. After nya maligo, tinanong nya ako kung ano ang nagdridrible ng bola. Ang style ng pagdridrible nila parang nang aasar pa – hihina lalakas, hihina lalakas. Pagnandyan ang mga multo, wala akong pakialam. Sabi ko lang sa kanila, TSE! magtakutan kayo dyan at matutulog ako at halos hindi ko na mamulat ang mga mata ko sa sobrang antok at pagod.

-      NOOOOO!!! Wala na ako sa MonSay, ang isa sa pinakamahusay na paaralan sa Maynila. Napunta ako sa Francisco P. Felix Memorial National High School, kung saan dalawang kanto lang ang layo sa aming bahay.

-       Akala ko magsisi ako na nagtransfer ako – ang sabi nila High School Life ang isa sa pinakamasayang yugto ng buhay dito ko naranasan iyon. Marami akong naging kaibigan na hanggang ngayon kaibigan ko pa din. Bukod sa kanila, kasama ko din ang pinakamalapit kong pinsan – si Roma – na crush ng bayan at nahawaan ako ng kanyang pagiging popular sa school. Halos every week nagswiswimming kame kung saan saan, magkakasama nagmamall, nanonood ng sine, kumakain. Nakakapanibago dahil relax lang – hindi katulad sa MonSay na araw araw may quiz, assignments, exams, projects at lahat ng pahirap na maiisip mo. Dito, nagkaroon ako ng time na maenjoy ang kabataan ko.

-        AYOSS! Natanggap ako sa SoundStage, ang pinakauna kong trabaho. Syempre ayaw ng pamilya ko. Sabi nila – bakit kailangan mo pang magtrabaho, binibigay naman namin lahat. Pero matigas ang ulo ko at ako pa rin ang nasunod. Masaya lalo na noong natanggap si Ryan at Ethel ang dalawa sa aking bestfriend. Ako ay 16 palang noon at ang trabaho ay kunin at iserve ang order. Enjoy kasi nakakapanood ng libreng live bands. Naapreciate ko ang 80’s music. Na-adik ako sa Glady’s and the Boxers pag Tuesdays. WILD CATS naman pag Wednesday. Dito ko din nasubukan ang uminom, malasing at manigarilyo (at buti nalang hindi naging bisyo). Daming magagaling na banda at ang sarap makinig ng live music. After ng trabaho, sabay sabay sa gotohan o sa tapsihan. Kamusta na kaya sina Sir John, Tina, Mike ang mga kawork ko na close sa akin. At leche ang team leader na inassign ako maglinis ng restroom ng dalawang beses – dahil sa kanya kaya ako nagresign lol.


-      Dahil gabi at puyatan ang work, madami akong namiss na klase. Akala ko nga hindi na ako makakagraduate pero nakahabol pa din. Nung graduation day, ako lang mag isa. Ako lang ang walang magulang. Hindi ko alam kung nasa ibang bansa sila o hindi ko sinabi dahil gusto kong patunayan sa sarili ko na matanda na ako at kaya ko na yun mag isa. Pero nagkamali ako, sana nandoon sila. Napansin ata ng adviser ko na wala akong kasama – bumili sya ng bulaklak at sinabit sa akin (parang santo lang) – at nangilid ang aking mga luha.

-      It has been 10 years ng grumaduate ako sa AMA University. Dahil naranasan ko na ang pagod ng malayong pagbyahe (wala pang tren noon sa Marikina) pinili ko na mag aral sa malapit. At dahil Computer Science ang band wagon noon, sa AMA ako nag aral.

-      Nagustuhan ko naman ang programming. PASCAL ang unang programming language na dapat naming matutunan at si Vivian Torres ang naging guro ko. Una ko syang naging teacher sa computer basic at asar na asar ako sa kanya. Pero sa PASCAL iba sya, ang galling ng teacher na eto at nakaka-enganyo. Kung dito sa America eh sa online mo ma-access ang grades mo, sa AMA iba – index card. Magpapasa ka ng ¾ index card at guguhitan mo ng table na may label na quiz 1, quiz 2, quiz3, exam 1, exam 2, midterms, finals, etc. Sayang nawala ko na yung index card ko na balak ko sanang ipalaminate – 99.99% pa naman ang nakalagay (TSE lol) Si Miss Torres din kinuha kong thesis adviser at di ako nagkamali sa pagpili sa kanya.

-      ROTC ang pinakaaasaran kong subject. Nonsense. Bibiyahe kame ng villamor airbase para umupo at ibilad sa araw. Ilang beses ako bumagsak. Ilang beses din ako nagdonate ng dugo para mawala ang absences ko.

-      Lumabas noon ang Playstation at sa kagustuhan kong makabili, nagtrabaho ako sa Greenwich Pizza. Masyado akong nag enjoy sa trabaho at hindi alam ng mga magulang ko na hindi na pala ako pumapasok sa eskwela. Nawala ako sa President’s list dahil dito. Nagtataka si mama kung bakit ang tagal ko makagraduate – ang sabi ko – binago kasi yung curriculum kaya kailangan ko mag extend ng isa pang sem. Noong graduation – ska ko lang inamin na may isang buong sem ako binagsak. Hindi naman nagalit si Mama dahil nakagraduate naman ako. Ang sabi lang nya – Ikaw talaga!

-      It has been 7 years since I’ve been here in USA and working in the same company.

-      It has been 2 years of going to school so I can step up in the ladder and pursue my dreams.  

-      It has been almost 6 months of waiting

-      It will be 5.5 more months until I get my awaited 3-month vacation in the Philippines

-      It will be 2.5 more months until my birthday. 

-      It will be 2.5 more weeks before a new chapter in my life unfolds. Ang biruan nga naming dito sa work eh -  Ang Bahay ni Ate: Ang Teleserye ng Totoong Buhay (halaw sa Pinoy Big Brother). Ano kaya ang magiging title ng susunod na chapter ng buhay ko.

-      After 10, 20, 30 years? Ano ano kaya ang maidadagdag ko sa aking mga it has been?

-      Isa lang ang alam ko – ang palong palo at panalong sagot ni Miss Philippines-Universe 2012 Janine Tugonon – “just have a child-like faith and matured obedience and everything will go smooth”




Friday, May 25, 2012

Metro: Food Issue

It also features good deals, resources, discount coupons and available activities. I am a foodie and I like to try new place once in a while. The Dining Section lists restaurant by area and cuisine. This particular issue does not only showcase the “WHERE-TO’s”  but also where to try exotic foods.
Sliced Pig Ears – I love pig ears. In the Philippines, I always eat pig ears (those sold on the streets) dipped in spicy vinegar. The pinoy style is better than this preparation.



Balut and Chicken Feet – these two are not considered exotic for us Pinoys. I personally love these! I use to ask my mom to cook me adobong paa ng manok.


Dry-Aged Beef – the meat is essentially left to rot in a climate-controlled environment. As the beef rots, enzymes start to break down long, flavorless molecules into shorter, tastier ones while dissolving connective tissue, tenderizing the meat in wonderful ways. Aging meat also dehydrates it and concentrates the flavor (excerpt from Metro). 

Based on the description, I never thought that a rotten meat can sound so delicious.  

available at

Alexander’s Steakhouse
10330 North Wolfe Road
Cupertino
(408) 446-2222




Duck – not so much fan of duck meat; the least meat I would eat

Tofu – one of my fav!

Stinky tofu – popular snack in Taiwan and China; stinky tofu is indeed stinky; but stinky sounds cute and friendly like baby fart. Stinky tofu is on another plane of stankiness. It’s like eating garbage inside a sewer on a hot day. And yet, if you can get past the smell, the flavor is not unlike a very ripe blue cheese. It is an acquired taste (excerpt from Metro)

Available at
Taiwan Bistro
1310 Saratoga Avenue
San Jose
(408) 984-3440






Grasshoppers – out of the list, this is the most challenging to try  ‘coz I haven’t eaten any kind of insect in my entire life lol


The insect is roasted with salt and chiles until they’re wonderfully crunchy. A squeeze of lime finishes them off. (excerpt from Metro)
Available at
Mezcal 

25 West San Fernando Street
San Jose
(408) 283-9595




Followers